728x90 AdSpace

  • Latest Post

    Copyright by Mely Maravilla 2011, all rights reserved. Theme images by RBFried. Powered by Blogger.
    Friday, July 20, 2012

    Adobong Pusit



    Paborito ko ang pusit mula pa noong bata pa ako, kaya twing nagluluto ang nanay ko nito ay nakaabang at natutunan ko ring lutuin noong 12 years old na ako. Ito po ang paraan na natutunan ko.

    Mga Sangkap:
    1/2 kilo pusit ( hugasang maigi)
    3 luarel
    2 kutsarang suka
    2 kutsarang toyo
    1 sibuyas
    3 butil ng bawang
    2 kamatis

    Paraan ng Pagluluto:
    1. Gisahin ang bawang, sibuyas at kamatis kapag medyo durog na ang kamatis, ilagay ang pusit at laurel, takpan hanggang sa kumulo.
    2. Haluin at takpan hanggang sa maluto saka ilagay ang suka at toyo, (hintaying maluto ang pusit bago ilagay ang suka para hindi kumunat) lakasan ang apoy para medyo matuyo ang sabaw.
    3. Ihain kapag luto na.


    Pwedeng lagyan ng kaunting sili kung ibig nyo.
    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: Adobong Pusit Rating: 5 Reviewed By: Melys Kitchen
    Scroll to Top