728x90 AdSpace

  • Latest Post

    Copyright by Mely Maravilla 2011, all rights reserved. Theme images by RBFried. Powered by Blogger.
    Wednesday, January 22, 2014

    Ginataang Sitaw, Kalabasa at Ampalaya


    Masarap at masustansya at lalong pinasarap pa ng lasa ng gata. Niluto ko ito dahil may tira-tirang buto ng lechong manok, sayang naman kung hindi mapapakinabangan.

    Mga sangkap
     manok para pangsahog ( pwedeng fresh or leftover from lechon)
    1/2 kilo kalabasa
    2 tali sitaw
    3 cups gata ng niyog
    2 piraso ampalaya
    1 kutsarang hiniwa na luya
    1 sibuyas
    asin

    Paraan ng pagluluto:
    1.Ilagay sa caldero ang 2 cups ng ngata, luya, sibuyas, manok at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay ang kalabasa at sitaw, pakuluan hanggang maging half cooked.
    2. Ilagay ang ampalaya at pakuluan hanggang maging half cooked, ilagay ang natitirang gata, saka timplahan, pakuluin ng isang beses saka patayin ang apoy.
    3. Ihain habang mainit pa na may kasamang kanin.


    Paalala: Siguraduhing malakas ang apoy habang niluluto ang mga gulay para manatiling matingkad ang kulay.
    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: Ginataang Sitaw, Kalabasa at Ampalaya Rating: 5 Reviewed By: Melys Kitchen
    Scroll to Top