728x90 AdSpace

  • Latest Post

    Copyright by Mely Maravilla 2011, all rights reserved. Template images by RBFried. Powered by Blogger.
    Friday, October 14, 2016

    Paksiw sa Gata with Mushroom

    Isa sa mga lutong Pinoy na ulam na gusto ko ay ang paksiw sa gata, dahil bukod sa masarap napakadali pang lutuin. Ang paksiw sa gata na ito ay lalong pinasarap ng mushroom, subukan nyo.

    Mga Sangkap:
    2 piraso ng tilapia (malinis na)
    1 tasa gata
    1/2 tasa suka
    150 gramo mushrooms
    30 gramo luya (hiniwa)
    1 piraso sibuyas (hiniwa)
    bawang (pinitpit)
    asin 
    pamintang durog


    Paraan ng Pagluluto:
    1. Ilagay sa paglulutuan ang bawang,luya,sibuyas saka ipatong ang isda, lagyan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa, ilagay ang suka saka takpan.
    2. Isalang sa mahinang apoy hanggang sa kumulo, pakuluin ng maigi hanggang sa halos maluto na ito.
    3.Ilagay ang mushroom at pakuluin hanggang sa maluto saka ilagay ang gata. Pwedeng dagdagan ng panimpla ayon sa iyong panlasa.
    4. Patayin ang apoy pagkatapos ng isang kulo. Pwede ng ihain ang masarap na ulam na inihanda mong may pagmamahal :-).


    • Blogger Comments
    • Facebook Comments

    0 comments:

    Post a Comment

    Item Reviewed: Paksiw sa Gata with Mushroom Rating: 5 Reviewed By: Melys Kitchen
    Scroll to Top