Friday, July 12, 2019

Paano Gawin Ang Ensaladang Dilis


Mapaparami ang kain mo sa putaheng ito, dahil siguradong gaganahan ka lalo na kapag nakakamay pa.

Mga sangkap:
  • 100G dilis
  • 2 kamatis (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 tasa suka
  • 1 labanos (hiniwa at piniga)
  • dahon ng sibuyas (hiniwa)
Paraan ng pagluto:

  1. Isangag ang dilis sa kaunting mantika hanggang sa maluto. Hanguin.
  2. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  3. Ihain ng nakangiti

No comments:

Post a Comment

Search This Blog