Thursday, August 1, 2019

Pinakamadaling Paraan Ng Pagluto Ng Pata Tim


Siguradong masarap!

Mga sangkap:
2 pirasong paa ng baboy
1/2 tasa toyo
1.5 litro Coke
2 piraso star anis
4 butil ng bawang (dinikdik)
1/4 kutsarita paminta durog


Paraan ng Pagluto:
1. Gisahin ang bawang, saka ilagay ang paa ng baboy, lutuin ang magkabilang bahagi hanggang sa medyo brown na, ilagay ang toyo, Coke, anis at paminta, takpan at pakuluan hanggang sa lumambot.
2. Kapag malambot na, ay ireduce ang sabaw hanggang sa lumapot.
3. Timplahang maigi at ihain pagkaluto kasama ng maraming kanin.


Sana magustuhan nyo ang style kong ito ng Pata Tim.

Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay 
ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

2 comments:

Search This Blog